Mga Awit 150:1-6

Banal na Bibliya (BNB)

Purihin si Yahweh sa kaniyang lugar at gawain. Lahat ay inaanyayahan na purihin siya.

eBible.org public domain.

1Purihin si Yahweh. Purihin ang Diyos sa kaniyang banal na lugar; purihin siya sa matataas na kalangitan.

2Purihin siya dahil sa kaniyang dakilang mga gawain; purihin siya sa kaniyang kadakilaang walang katumbas.

3Purihin siya sa ihip ng tambuli; purihin siya gamit ang plawta at alpa.

4Purihin siya gamit ang tamburin at sayawan; purihin siya gamit ang mga instrumentong may kuwerdas at mga instrumentong hinihipan.

5Purihin siya gamit ang maiingay na pompyang; purihin siya gamit ang matitinis na pompyang.

6Purihin si Yahweh ng lahat ng may hininga. Purihin si Yahweh.